- 1. naglalahad ng madulang pangyayari sa buhay ng pangunahing tauhan at nag- iiwan ng kakintalan sa isipan at damdamin ng mambabasa
- 2. A. Ang Mga Bahagi ng Maikling Kuwento:
- 3. 1. Simula- Lubhang mahalaga ang bahaging ito sapagkat dito nakasalalay ang kawilihan ng mambabasa. Kinapapalooban ito ng mga sumusunod: a. pagpapakilala sa tauhan b. pagpapahiwatig ng suliraning kakaharapin ng mga tauhan. c. pagkakintal sa isipan ng mga mambabasa ng damdaming palilitawin sa kuwento. d. paglalarawan ng tagpuan
- 4. 2. Tunggalian- ang pinagbabatayan ng buhay ng maikling katha dahil ito ang nagbibigay daan sa madudulang tagpo upang lalong maging kawili-wili at kapana-panabik ang mga pangyayari 3. Kasukdulan- sa bahaging ito unti- unting naaalis ang sagabal, nalulutas ang suliranin, dito natutukoy ang katayuan ng pangunahing tauhan kung siya ay mabibigo o magtatagumpay
- 5. 4. Wakas- naihahatid ng may-akda ang mensahe sa bahaging ito. sa wakas ng kuwento.
- 6. B. Sangkap ng Maikling Kuwento:
- 7. 1. Tagpuan- tumutukoy ito sa pook o lugar na pinangyarihan ng kuwento. Naglalarawan ito ng ginagalawan o kapaligiran ng mga tauhan. 2. Tauhan- ang nagbibigay buhay sa kuwento, makikilala sila sa kanilang panlabas na kaanyuan- pisikal at pananamit, kilos na magpapahiwatig ng kanilang ugali at diyalogo.
- 8. 3. Banghay- ito ang pagkakasunud- sunod ng mga pangyayari sa kuwento. Bahagi ng Banghay a. simula b. suliranin c. saglit na kasiglahan d. kasukdulan e. kakalasan f. wakas 4. Tema o Paksa- ito ang sentral na ideya sa loob ng kuwento o ang mahalagang pangkaisipan ng akda.
- 9. C. Uri ng Maikling Kuwento:
- 10. 1. Kuwento ng Katutubong Kulay- binibigyang diin ang kapaligiran, pananamit ng mga tauhan, uri ng pamumuhay at hanapbuhay ng mga tao sa nasabing pook. 2.Kuwento ng Pakikipagsapalaran- nasa balangkas ng pangyayari ang kawilihan o interes sa kuwentong ito. 3. Kuwento ng Kababalaghan- mga di- kapani-paniwalang bukod pa sa mga katatakutan ang siyang daan ng
- 11. 4. Kuwento ng Tauhan- ang interes ng diin ay nasa pangunahing tauhan. 5. Kuwento ng Katatawanan- ang diin ng kuwentong ito ay magpatawa at bigyang aliw ang mga mambabasa. 6. Kuwento ng Pag-ibig- tungkol sa pag-iibigan ng pangunahing tauhan at ang katambal niyang tauhan
- 12. 7. Kuwento ng Kapaligiran- ang paksa ay mga pangyayaring mahalaga sa lipunan, kadalasan patungkol sa kalikasan.
- 13. KASAYSAYAN AT PAG-UNLAD NG MAIKLING KUWENTO KASAYSAYAN AT PAG-UNLAD NG MAIKLING KUWENTO
- 14. A. Bago Dumating Ang Mga Kastila
- 15. Kuwentong bitbit – dito nag-ugat ang maikling kwento, maiikling salaysay na pumapaksa sa mga anito, lamanlupa, malikmata, multo at iba pang mga bunga ng guniguning di kapanipaniwala..
- 16. B. Panahon ng Kastila
- 17. • Kakana – sumulpot pagdating ng Espanyol,naglalaman ng mga alamat at engkanto, panlibang sa mga bata • kuwento ay tungkol sa buhay ng mga santo at santa -layunin nila ay mapalaganap ang Kristiyanismo. • Parabula- naglalaman ng mga talinghaga at nagtuturo ng aral. Hal. Ang Mabuting Samaritano
- 18. C. Panahong Post Kolonyal ( Panahon ng Amerikano)
- 19. • Ang maikling kuwentong Tagalog ay naisulat noong mga unang sampung taon ng mga Amerikano. Mga unang anyo nito ay ang dagli at pasingaw. dagli -maikling- maikling salaysay na gayong nangangaral nang lantaran ay namumuna, nagpapasaring at nanunuligsa. Hal:“ Sumpain Nawa Ang Mga Ngiping Ginto” ni Cue Malay
- 20. Nagsisulat ng dagli sina Valeriano Hernandez Pena, Inigo Ed Regalado, Patricio Mariano, Pascual Poblete atbp. na inilathala sa pahina ng pahayagang “Muling Pagsilang” noong 1903. Yumabong ang uring ito ng salaysay sa tulong pa rin ng pahayagang Democracia, Ang Mithi, Taliba hanggang 1921.
- 21. Halimbawa ng dagli ni Salvador R. Barros: "Tungkol sa mga bagay na pumapasok sa pandinig, ang lalaki, babae, at reporter ay may malaking ipinagkakaiba. "Ang pumapasok sa isang tainga ng lalaki ay lumalabas sa kabila. "Ang pumapasok sa dalawang tainga ng babae ay lumalabas sa bibig. "At ang pumapasok sa dalawang tainga ng reporter ay lumalabas sa pahayagan." (Sampagita, 8 Nobyembre 1932)
- 22. pasingaw- patungkol sa mga paralumang hinahangaan, sinusuyo, nililugawan at kung anu-ano pa. Sa mga dahon ng pahayagang Kaliwanagan at Ang Kapatid ng Bayan ito kumita ng liwanag. Madalas na ang mga may-akda nito ay gumagamit o nagtatago sa kanilang mga sagisag panulat.
- 23. Napatanyag at namalasak ang pagsulat ng dagli at naging katha at sa bandang huli ay tinawag na maikling katha hanggang 1921. Noong 1910, nagtagumpay ang “Elias” ni Rosauro Almario sa pahayagang Ang Mithi sa bisa ng 14,478 na boto ng mga mambabasa.
- 24. Mga Samahang Pampanitikan 1. Ang “Aklatang Bayan” nagsimula ang maikling katha nang hindi pa ganap ang banghay at nakakahon pa ang karakterisasyon. 2. Ang “ Ilaw at Panitikan” (popularisasyon) Isinilang ang Liwayway na naging tahanan ng mga akdang Filipino.
- 25. 3. Parolang Ginto ni Del Mundo- katipunan ng mga pinakamahusay na kuwento sa bawat gawain at sa bawat taon. Pumagitna rin sa larangan ng pamumunang pampanitikan si Alejandro Abadilla sa kanyang Talaang Bughaw. 4. Panitikan- sa panahong ito sinunog ng mga kabataang manunulat ang mga akdang pinalagay na hindi panitikan.
- 26. 5. “Ilaw ng Bayan” Sa panahong ito ay nangibabaw ang bisa ng mga kabataang manunulat sa panitikan sa Wikang Ingles.
- 27. Alejandro G. Abadilla The father of modern Filipino poetry.
- 28. 1.Ang “Kuwentong Ginto” (1925-1935) 20 “ kuwentong ginto.”nina Abadilla at Del Mundo 2. Ang “50 Kuwentong Ginto ng 50 Batikang Kuwentista (1939) ni Pedro Reyes. Katipunan ng mga pinakamahusay na katha ni Hernando R. Ocampo at ang mga manunulat sa Ingles na sina NVM Gonzales, Narciso Reyes, Cornelio Reyes at Mariano C. Pascual.
- 29. Taong 1920, ang mga kathang Tagalog ay nagkaroon ng banghay at ang karamihan nito ay nalathala sa mga babasahin sa Maynila. Dito unang namayani sina Deogracias A. Rosario, Amado V. Hernandez, Jose Esperanza Cruz, Rafael Olaya, Teofilo Sayco atbp.
- 30. Deogracias A. Rosario Ipinanganak noong 17 Oktubre 1894 sa Tondo, Maynila, Amang Maiikling Kwentong Tagalog
- 31. • Kapansin-pansin ang pagkagiliw ng mga manunulat sa matamis, mabulaklak at maindayog na pananalita. Karaniwang paksa‟y pag-ibig na inaaglahi, hinahdlangan o pinapagdurusa, hindi makatotohanan ang mga sitwasyon at pangyayari at waring nangungunyapit pa rin sa tradisyon ng romantisismo hanggang sa pagdating ng 1930.
- 32. D. Panahon ng Hapon
- 33. Pansamantalang napinid ang mga palimbagan sa panahon ng mga Hapones ngunit pagkaraan ng ilang buwan ay muli itong nabuksan. Pinahintulutang makapaglathala ang Liwayway kaya‟t biglang nakapasok ditto ang mga akda na dati ay hindi tinatanggap ng naturang babasahin.
- 34. Dahil dito ang mga manunulat na dating nagsusulat sa Ingles ay nangagtangkang magsulat sa Tagalog. • Nagdaos ng timpalak ang Liwayway at pinili ang mga pangunahing kuwento noon na tinipon sa isang aklat. “Ang 25 Pinakamabubuting Maikling Kathang Pilipino ng 1943.
- 35. Nanguna sa timpalak ang sumusunod na apat na kuwento.: Pangunahin- “Lupang Tinubuan” Narciso Reyes Pangalawa –“ Uhaw Ang Tigang na Lupa” Liwayway A. Arceo Pangatlo- “Nayon at Dagat-dagatan” NVM Gonzales Pang-apat- “Suyuan sa Tubigan” Macario Pineda
- 36. • Kabilang sa mga bagong pangalan sina Liwayway A. Arceo, Amado Pangsanghan, Aurora Cruz, sa mga nanguna sa kanila, nakilala sina Teodora Agoncillo, Gemilliano Pineda at Serafin Guinigundo atbp.
- 37. Liwayway Arceo
- 38. E. Panahon ng Kalayaan
- 39. • Ang Gantimpalang Carlos Palanca, isang timpalak pantikan ay nagdulot ng bagong hamon sa mga manunulat sa Ingles at Pilipino. Nagsimula ang patimpalak sa maikling katha noong 1950
- 40. • naitatag ang Kapisanang KADIPAN (aklat, diwa at panitikan) na itinatag sa pamamahala nina Ponciano B. Pineda at Tomas Ongoco ng MLQU. • ang Diwa at Panitik (1965) ay nagpalabas ng magasing Sibol na ang nilalaman ay tuntunin sa panitikan, wika at pagtuturo
- 41. • Noong Enero 1962, ang magasing Akda ang naging kaakit-akit na babasahing naglalathala ng mga orihinal na akda at salin saTagalog ng mga manunulat sa Ingles • Ang magasing Panitikan ay muling pinalabas ni Alejandro G. Abadilla noong Oktubre, 1964 at tumagal hanggang 1968
- 42. • Nagtaguyod ang Pamantasan ng Ateneo ng Urian Lectures na pinamahalaan ni Bienvenido Lumbera. • Ang Gawad Balagtas ay patimpalak ng pamahalaan noong 1969. nilahukan ng katipunan ng sampung akda. Nagwagi si Wilfredo Virtusio ng unang gantimpala sa kanyang “ Si Ambo at Iba Pang Kuwento”.
- 43. • Ang huling taon sa dekada 60 ang panahon ng protesta. Ang mga manunulat ay pumaksa sa kaawa- awang kalagayan ng iskuwater, sa mga suliranin ng magbubukid at manggagawa.
- 44. F. Panahon ng Bagong Lipunan (Batas Militar)
- 45. • Sa kadahilanang halos lahat ng kuwentista sa Pilipinas sa panahong Batas Militar ay kasangkot sa kilusang makabayan, tampok sa kanilang mga akda ang mga suliraning tulad ng paghihikahos ng marami sa pagpapasasa ng iilan, kabulukan sa pagpapatakbo ng pamahalaan, kawalan ng katarungan sa mga limot na mamamamayan at pang- aalipin ng negosyanteng dayuhan at ng sabwatan ng mga burgis. Lantad ang poot sa mga akdang ito.
- 46. • Sagisag- isang magasing inilathala ng Kagawaran ng Pabatirang Madla upang magkaroon ng mapaglalathalaan ng mga akdang hindi tinatangkilik ng mga popular na babasahin.Nagtaguyod din ito ng Gawad Sagisag at nakatuklas ng mga bagong manunulat.
- 47. • Ang iba;t ibang kuwentong lumabas at naisulat sa panahong ito ay pawing sumasaling sa ugat ng lipunan. • Nakilala sa panahong ito ang mga kuwentistang sina Alfredo Lobo, Mario Libuan, Augosto Sumilang, Lualhati Bautista, Reynaldo Duque, Benigno Juan, Benjamin Pascual, Domingo Landicho, Edgardo Maranan, Wilfredo Ma. Virtusio at Pedro S. Dandan.
- 48. • Sa panahong ito, naging palasak ang pagpunta ng mga Pilipino sa bang bansa lalo na sa Estados Unidos, ito ang naging batayan ni Domingo Landicho upang isulat ang kuwentong ”Huwag mong Tangisan Ang Kamatayan ng Isang Pilipino sa Dibdib ng Niyebe” na siyang pinagkalooban ng gantimpalang Palanca noong 1975.
- 49. • Samantala, noong 1979-1980, isang simple subalit pinakamakahulugang kuwento ang napili ng Palanca upang gawaran ng gantimpalang pinakamahusay para sa taong iyon ang kuwentong “Kandong “ ni Reynaldo Duque.
- 50. G. Kasalukuyang Panahon
- 51. • Nagpatuloy ang Liwayway sa pagbubukas ng kanilang pinto para sa mga manunulat ng kuwentong ngayon pa lang sumisibol.Maraming kuwentong nailathala ng mga pagbabagong naganap sa bansa pagkaraan ng EDSA Revolution. Ito ang mga kuwentong nagtataglay ng diwa, saloobin, at paniniwala ng mga manunulat sa bagong panahon.
- 52. • Nagkaroon ng iba„t ibang pamamaraan ng pagkukwento. Ang mga paksang dati ay hindi naisusulat ay napapansin. Naging matimpi ang pagtalakay ng paksa. Madula ngunit maligoy. Ang mga katangiang iyan ay namalagi hanggang sa kasalukuyan at ito„y tinawag na kontemporaryong maikling kwento.